MAYWEATHER ‘DI UUBRA KAY PACQUIAO -- CLOTTEY




Matapos matikman ang malaipu-ipong bilis ni Manny Pacquiao matapos siyang gawing punching bag, kumbinsido si Joshua Clottey na walang tatalo kay Pacquiao sa kasalukuyan, kahit na si Floyd Mayweather Jr.


“I think Manny Pacquiao will give Mayweather a lot of problems. A lot,” pahayag ng Ghanian boxer sa post-fight news confe rence matapos mabugbog kamakalawa sa Dallas Cowboys Stadium sa Arlington, Texas tungo sa unanimous decision victory ng Pinoy ring icon.


I think that I lost a fight for the first time,” wika pa ni Clottey. “I lost to Manny Pacquiao.“I’m very strong, but this guy is so very, very fast.”


Sa tanong kung bakit panay takip lang niya ng katawan at mukha at hindi sumusuntok?


“Manny Pacquiao is beating everybody,” ani Clottey. “He’s knocking them out. I have to do what I can and I think I did my best.”


Samantala, naniniwala ang ilang boxing aficionados, na hindi na lalabanan ni Mayweather si Pacquiao lalo pa sa ipinakita nitong bilis, tibay ng resistensiya at galing kontra Clottey.


“I feel that all the more Mayweather is going farther away from a fight with Pacquiao. How can we expect Mayweather to ever say yes? They will think of all the reasons not to make it happen,” pahayag sa Boxingscene.com ni WBC founding secretary general at dating PBA Commissioner Rudy Salud.


Kung si Clottey na mas matibay ang depensa ay nahirapan kay Pacquiao, lalo na si Mayweather na ang ginagamit lang na depensa ay ang balikat na pansalag sa suntok at ang pagsasayaw. Hindi ito makakaiwas sa bilis at sangkaterbang suntok ni Pacquiao at tiyak na may paglalagyan ang dating pound-for-pound king.


Maging ang conditioning coach ni Pacquiao na si Alex Ariza ay bilib na bilib sa kanyang alaga. “Manny is faster than Floyd and if he hits Mayweather the way he hit Clottey there is no way he can take that kind of power.”


Nakatakda namang sumagupa si Mayweather kay Shane Mosley sa Mayo 1 sa Las Vegas na magsisilbing barometro para matantiya ang sarili kung kaya niyang sumagupa sa mas matinding boxer tulad ni Pacquiao.


Sakaling makalusot si Mayweather, lalong makukumbinsi ang publiko na siya lang ang bukod-tanging makakapagbigay ng matinding hamon kay Pacman.


Samantala, bumalik na sa Los Angeles mula sa Dallas ang Team Pacquiao sakay ng eroplanong Air Pacquiao. Matapos umanong lumapag sa LA International Airport, suma kay si Pacquiao sa kotseng Mercedes Benz kasama ang asawang si Jinkee.


Nakatakda ring mag-concert si Pacquiao sa Honolulu, Hawaii bago bumalik sa Pilipinas para simulan ang kanyang pa ngangampanya bilang kandidato sa pagka-kongresista sa Sarangani.

Kategori:



comment closed

LOVE RADIO - MANILA

ADD ME ON FACEBOOK

Copyright © k4PinoY Movies - Online Movies for Free..... Discalmer: All of the images and videos are from internet sources and are in public domain. This site only links from ( megaupload.com, dailymotion.com, myspace.com, ouou.com, stage6.com, tudou.com, veoh.com, youku.com, zshare.com, youtube.com and others.. ) We do not host any videos, films or media files. K4pinoytv is not responsible for the accuracy, compliance, copyright, legality, decency, or any other aspect of the content of other linked sites. If you believe your copyrighted content is showing on K4pinoytv, please take your DMCA take down notices directly to the video websites that are hosting your files.By visiting and opening posts and pages in this site, you accept that you are in compliance with the terms of its PRIVACY POLICY and DISCLAIMER POLICY.
Design by
This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates